Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora o PGA sa ilalim ng pamamahala ni Acting Governor Christian M. Noveras ay nakatakdang magbigay ng may kabuuang bilang na 8,700 na food packs sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare ng Development Office sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office ng bawat bayan. Ang ayudang nabanggit ay nakalaan pa rin sa mga kababayang higit na naapektuhan ng enhanced community quarantine dahil sa pagkalat ng sakit na Novel Coronavirus Disease (COVID-19). 

Ito ang pangalawang beses o second wave na pagbibigay ayuda ng PGA sa buong lalawigan. Ang mga ayudang food packs ng PGA ay naglalaman ng mga sumusunod: 3 kilos of Rice; 2 cans of Sardines; 2 cans of Corned Beef; 1 can Tuna Flakes at 2 packs of Coffee (Twin Pack). Nakatakdang kunin ang mga food pack na ito ng bawat bayan sa Capitol Compound upang sila na ang mamahala sa pamimigay sa kani-kanilang nasasakupan. 

Narito ang magiging breakdown ng pamamahagi sa 2nd wave na ayuda ng PGA:

Baler – 1,000 food packs
San Luis – 1,000 food packs
Maria Aurora – 1,200 food packs
Dipaculao – 1,200 food packS
Dinalungan – 800 food packs
Casiguran – 1,500 food packs
Dilasag – 1,000 food packs
Dingalan – 1,000 food packs

Aabot sa 15,700 food packs ang kabuuan ng ayudang ibibigay ng PGA para sa 1st wave at 2nd wave. Kasalukyan namang isinasaayos ang pagbili ng karagdagang 30,900 food packs na pang ayuda para naman sa 3rd wave na nakatakda ring ipamahagi sa bawat bayan.

May kabuuang Php 9,632,790.00 ang nailaan ng PGA para sa mga ayudang ito. (PAIADPGO/sbhn)

Source: Pswdo Aurora
📸 Paiad Pgo Aurora

Unang araw ng repacking ng 2nd wave na pagbibigay ng ayudang Food Packs sa lahat ng bayan sa lalawigan.