Malugod na tinanggap ni Father Jofran Talaban, Parish Priest ng San Antonio De Padua ng Casiguran, Aurora ang mga ayudang agrikultural mula sa Pamahalaan Panlalawigan ng Aurora noong ika-24 ng Abril, 2020 sa pamamagitan ni G. Arnold B. Novicio- Provincial Agriculturist kasama si Bb. Leonisa T. Curitana- Municipal Agriculturist. Ang gawaing ito ay bunsod sa pakikipag-ugnayan ng parokya sa ating butihing Punong Lalawigan Kgg. Gerardo A. Noveras na mabiyayaan ng mga nasabing intervention ang mga myembro ng Munting Sambayanang Kristyano (MSK) at batayang sektor ng bayan ng Casiguran tulad ng mga kapatid na Katutubo at maralitang komunidad.

Ang mga ayudang natanggap ay kinapapalooban ng mga sumusunod:
a. Assorted vegetable seeds
b. 10 pieces ng Gill net ( 200 meters/ piece)
c. 10 pieces na Life Jacket
d. 7,000 Pieces Tilapia Fingerlings

Tuwirang makakatanggap ay mga residente at katutubo mula sa Sitio Agues, Sitio Dinipan, Sitio Mainit, Sitio Disigisaw at sa mga Barangay ng Calabgan at Esteves.Ito ay tugon na din ng Parokya, na ang mga MSK ay maging mapanagutang mamamayan sa kabila ng pina-iiral na Enhance Community Quarantine (ECQ) dulot ng Pandemic COVID-19.

Sa huli ay ipinaabot ng Kura Paroko sa butihing Punong Lalawigan ang taus pusong pasasalamat sa tulong na ipinaabot sa kanila at nangakong pagyayamanin at pangangalagaan ang mga nasabing ayuda. (OPAg- Agrikulturang May Malasakit)