Isang regalo para kay Lola Eulogia Rivera, isang centenarian, ang pagkilala at pagkakaloob ng cash gift mula sa Provincial Government of Aurora (PGA) noong ika-23 ng Abril mula sa Barangay Mucdol, Dipaculao, Aurora.

Iniabot ng personal nina Vice Governor Christian M. Noveras, Executive Assistant IV Marites de Asis mula sa Provincial Governor’s Office (PGO), at Bb. Kristine Claire Cabate ng Provincial Treasury Office ang halagang Dalawampung Libong Piso (Php 20,000.00) kay Lola Eulogia sa presensya ni Kapitan Sonny R. Nidoy ng Brgy. Mucdol kasama ang kaanak ni Lola. Nagdiwang ng ika-100 taon ng kapanganakan si Lola Eulogia noong ika-20 ng Abril. Ipinanganak siya noong taong 1920.

Isa sa mga programa ni Governor Gerardo A. Noveras para mabigyang kalinga ang ating mga lolo at lola na umaabot sa edad na 100 ang pagbibigay ng cash gift. Ang nasabing programa ay pinapangasiwaan ng Provincial Social Welfare and Development (PSWDO) sa pamamahala ni PSWDO Aida H. Rutaquio. Ito ay karagdagang cash gift sa binibigay ng Department of Social Welfare and Development na isang daang libong piso (Php 100,000.00) alinsunod sa Batas Pambansa Blg. 10868 o mas kilala sa tawag na “Centenarians Act of 2016”. (paiadpgo/sbhn)