Personal na ininspeksyon ni Governor Gerardo A. Noveras ang mga relief packs na kabilang sa ika-3 wave ng ayuda na ipapamahagi ng Provincial Government of Aurora (PGA) sa bawat bayan.

Kabilang sa ipapamahagi ay ang mga gulay gaya ng sitaw, talong, ampalaya, kalabasa, at ito ay sasamahan na rin ng Saba. Ito ay ilan lang sa binili ng pamahalaang panlalawigan sa ating mga lokal na magsasaka upang makatulong sa kanila na naapektuhan din ng pagpapatupad ng EGQ at GCQ sa lalawigan dahil na rin sa banta ng pagkalat ng sakit na COVID-19.

Nakatakdang magpamahagi ang PGA sa Central Towns ng Aurora bilang paunang batch bukas hanggang bago matapos ang linggo. (paiadpgo)

Ika-07 ng Mayo 2020