Abril 27, 2020

Magandang araw po. Kasalukuyan pa pong naghihintay ang Provincial Government of Aurora (PGA) ng guidelines mula sa National Government patungkol sa General Community Quarantine (GCQ). Ang umiiral pa rin po ay ang mga Executive Order (EO) na pinalabas sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ). Maghintay po sa ipapalabas na bagong EO ni Governor Gerardo Noveras sa mga susunod na araw. Maraming salamat po sa pang-unawa.

Para po sa mga katanungan patungkol sa COVID-19 Update maaari pong tumawag sa hotline ng COVID-19 Aurora Provincial Emergency Operation Center (EOC) mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon sa numerong 09393257838. Maraming salamat po.