Sa unang batch ng delivery ay tumanggap ang bayan ng San Luis ng 600 bags, Maria Aurora ai 800 bags at ang bayan ng Dipaculao na 700 bags ng dekalidad na variety ng palay mula sa DA-PhilRice sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Program ng Kagawaran. Isinagawa ang pamamahagi sa pagtutulungan ng ibat-ibang ahensya tulad ng DA-PhilRice, DARFO3, ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora na pinadaloy ng Office of the Provincial Agriculturist at ng Municipal Agriculture Office ng walong Bayan ng Lalawigan. Ang pamamahagi sa mga natitirang bayan ay isasagawa sa huling linggo ng buwan ng Abril hanggang sa unang linggo ng Mayo.

Ipinagpapatuloy ang nasabing pamamahagi ng libreng binhi ng palay sa bawat magsasaka bago dumating ang taniman upang masiguro ang tuloy tuloy na produksyon ng pangunahing butil sa gitna ng ipinatutupad na Enhance Community Quarantine (ECQ) at makaagapay sa pinagdadaanang epekto ng krisis dulot ng COVID-19.
(OPAg / Agrikulturang May Malasakit)