Mahigpit ang tagubilin ng ating Punong Lalawigan Gerardo A. Noveras na ang pagpapatupad ng mga patakaran/alituntunin alinsunod sa kanyang mga direktiba sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ay nararapat igalang at sundin.

Walang sinuman ang maaaring gumamit ng kapangyarihan, posisyon o impluwensiya para sumuway sa mga polisiyang pinaiiral para sa kaligtasan ng ating lalawigan sa Covid-19.

Ang anumang iregularidad o paglabag na mababatid ng sinuman ay mangyaring ipaabot agad sa kinauukulan/otoridad.

Kaugnay nito, nananawagan ang ating Punong Lalawigan sa lahat ng mga nasa checkpoint na kahit na sinong politiko ang makiusap, kung ang gustong mangyari ay labag sa polisiya, ay huwag itong ayunan at pahintulutan!

Saklaw ng tagubilin at panawagan ang mga kapuwa lingkod buhat sa PNP, Philippine Army, BFP at iba pang sangay ng pamahalaan.

Inaasahan ng Ama ng ating Lalawigan ang pakikiisa ng lahat

Maraming salamat po.