Kinilala at pinagkalooban ng cash gift mula sa Provincial Government of Aurora (PGA) ang isang centenarian mula sa Barangay Galintuja, Maria Aurora, Aurora noong ika-17 ng Abril, 2020.

Personal na inabot nina G. Wilson Oropilla ng Provincial Governor’s Office (PGO), G. Leoganim Trinidad ng Provincial Treasury Office at Charlene Jane C. Saturno ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang halagang Dalawampung Libong Piso (Php 20,000.00) kay Lolo Magno Empeso sa presensya ni Kapitan Juanito Lip-atan ng Brgy. Galintuja kasama ang kaanak ni Lolo. Ipinanganak si Lolo Magno noong taong 1920 buwan ng Enero.

Ang natanggap na cash gift ay isa sa mga programa ni Governor Gerardo Noveras para mabigyang kalinga ang ating mga lolo at lola na umaabot sa edad na 100. Ang nasabing programa ay pinapangasiwaan ng Provincial Social Welfare and Development (PSWDO) sa pamamahala ni PSWDO Aida Rutaquio. Ito ay karagdagang cash gift sa binibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isang daang libong piso (Php 100,000.00) alinsunod sa Batas Pambansa Blg. 10868 o mas kilala sa tawag na “Centenarians Act of 2016”. (paiadpgo/sbhn)

Source: PGO and PSWDO Aurora